CENTRAL MINDANAO-Pinangunahan ng Cotabato Vice-Governor Emmylou “Lala” Taliño-Mendoza ang pag apruba sa mga resolusyong inilatag sa Sangguniang Panlalawigan.
Isa na rito ang Memorandum of Agreement sa pagitan ng Provincial Government sa pamamagitan ng Cotabato Provincial Hospital at ng Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO na magkaroon ng Malasakit Center sa mga nais humingi ng tulong para sa kanilang ospitalisasyon at gamutan. Sumang-ayon naman ang mga Board Members ng Probinsya na anila’y malaking tulong upang mapadali at mas agaran ang pagbigay ng suporta sa higit na nangangailangan.
Bago natapos ang sesyon ay pinaalalahanan rin ng Bise Gobernadora ang mga kasamahan nito sa nalalapit na Pagdiriwang ng Kalivungan Festival ng ating probinsya. Buong puso naman ang suporta nito at hinikayat ang lahat na makiisa sa pagdiriwang ng Anibersaryo ng Probinsya ng Cotabato.