-- Advertisements --
Kinansela ng beteranong singer na si Rod Stewart ang ilang show niya sa US matapos na dapuan ito ng trangkaso.
Sa kaniyang social media account ay inanunsyo ng 80-anyos na singer ang pagpapaliban at pag-reschedule ng kaniyang show.
Humingi ito ng paumanhin sa mga fans dahil sa insidente at tiniyak niya na babalik ito pagbalik niya.
Ilan sa mga show na nakansela ay dalawa sa Las Vegas at dalawa rin sa California.
Iginiit naman nito na handa na itong magtanghal sa Glastonbury festival na magaganap sa huling linggo ng Hunyo.
Huling nagtanghal ang beteranong singer ay noong Mayo 26 sa American Music Awards sa Las Vegas kung saan ginawaran siya ng lifetime achievement awards ng kaniyang mga anak.