-- Advertisements --

Hiwalay na ang actress na si Meryl Streep at ang asawang si Don Gummer.

Ayon sa representative ng actress na mahigit na anim na taon ng hiwalay ang mag-asawa.

Ikinasal ang dalawa noong 1978 at noong nakaraang taon ay ipinagdiwang nila ang kanilang 45th wedding anibersaryo.

Ilang taon na nakikitang magkasama ang dalawa subalit itinago nila ang tunay na lagay ng kanilang relasyon.

Noong 2012 ay inialay pa ng actress ang kaniyang best actress Oscar speech sa pelikula niyang “The Iron Lady”.

May apat silang anak na sina Henry, Mamie, Grace at Louisa.