-- Advertisements --
Nakatakdang bumalik sa ere ang sikat na TV show sa US na “Jimmy Kimmel Live”.
Kasunod ito sa pagtatapos na ng kaniyang suspension noong nakaraang linggo.
Ipinatigil umano ni Federal Communications Commission Chair Brendan Carr ang pag-ere sa show ni Kimmel dahil as negatibong komento nito sa pinaslang na si Charlie Kirk.
Bago ang pagbabalik ay nasa 400 na mga Hollywood star at celebrities ang pumirma ng petition para maibalik sa ere si Kimmel.
Kinabibilangan ito ng actor na sina Tom Hanks, Jennifer Aniston, Meryl Streep at maraming iba pa.
Itinuturing kasi nila na ang ginawang pagtigil sa pag-ere kay Kimmel ay isang pagsupil sa malayang pamamahayag.