-- Advertisements --
Pumanaw na ang beteranong TV director na si Bert De Leon sa edad 74.
Kinumpirma ito ng kaniyang anak na si Niko de Leon kung saan binawian ng buhay ang ama sa iang pagamutan ng 3:12 ng madaling araw ng Nobyembre 21.
Hindi naman nagbigay ito ng dahilang ng kamatayan ng ama.
Noong Hulyo ay itinakbo sa pagamutan ang direktor matapos na maatake sa puso kung saan sumailalim siya sa angiogram at ng makalabas ay doon nagpositibo sa COVID-19.
Nagpaabot naman ng kanilang mga pakikiramay ang mga nakasama sa trabaho ng pumanaw na direktor.