Nangibabaw ang mga pangalan ng mga beteranong basketbolista sa 16-man lineup ng Gilas Pilipinas na sasabak sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.
Kinabibilangan ito nina June Mar Fajardo, Japeth Aguilar, Matthew Wright at Kevin Alas.
Kabilang din sina Japan B. League imports Thirdy Ravena at Dwight Ramos ganun din ang kapwa PBA players na sina Robert Bolick, Kib Montalbo, Roger Pogoy, Troy Rosario, Poy Erram, Mo Tatuaa at Isaac Go.
Isinama rin sa listahan sina Gilas pool members na sina Will Navarro, LeBron Lopez at Caelum Harris.
Sina Fajardo, Aguilar at Wright ay magkakasama na noong manalo ng gold medal ang Gilas noon 2019 SEA Games na ginanap sa bansa.
Inilabas ang nasabing listahan sa isang araw bago ang itinakdang deadline ng Vietnam SEA Games Organizing Committee sa Marso 12.