-- Advertisements --
Pumanaw na ang beteranong actor na si Ronaldo Valdez sa edad 76.
Hindi naman binanggit ng kaanak nito kung ano ang naging sanhi ng kamatayan ng beteranong actor.
Halos limang dekada ito sa showbiz industry sa bansa kung saan nakagawa na ito ng maraming pelikula at mga teleserye.
Isinilang bilang si Ronald James Dulaca Gibbs noong 1947 kung saan naulila niya ang asawang si Maria Fe Gibbs at mga anak na actor-comedian na si Janno Gibbs at Melissa Gibbs.
Nadiskubre siya ng namayapang beteranong komediyanteng si Dolphy noong kalagitnaan ng 1960 at sumikat ito noong dekada 70 na gumaganap bilang isang ama.