Iginiit ni Department of Foreign Affairs (DFA) Sec. Teddyboy Locsin Jr. na hindi maaaring ipatupad ng gobyerno ang sinasabing verbal agreement ni Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese Pres. Xi Jinping sa West Philippine Sea.
Ito’y kasunod ng mga pangamba hinggil sa posibilidad na tuluyang payagan ng estado na mangisda ang mga Chinese sa exclusive economic zone ng Pilipinas.
Sa isang panayam sinabi ni Locsin na kagagawan ng legal experts ni Duterte ang rason kung bakit tingin nito ay pwedeng hayaan ng basta ang mga dayuhang estado na mamalaot sa ekslusibong teritoryo ng bansa.
Ayon sa kalihim, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources lang ang makakapagsabi kung may excess ang teritoryo na pwedeng pangisdaan ng ibang bansa.
Nitong umaga nang magtipon sa isang press con ang ilang eksperto at hinimay ang mga issue sa EEZ ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
“Our gov’t has been remiss in its consti obligation to protect our marine resources and fisherfolk; hindi totoo na walang ngipin ang ating batas na habulin ang mga nagsasala,” ani Atty. Chel Diokno.
“Maraming sinasabi ang Pangulo ngunit wala pa siyang sinasabi tungkol sa totoong kalagayan ng ating mga fisheries at fisherfolk. Meron naman siyang kakayahan alamin iyon.”










