Umatras si Venus Williams sa season-opening na Brisbane International matapos ang “setback” sa practice.

Ayon sa 39-anyos na si Williams, umaasa pa rin siya na makakapaglaro ito sa Adelaide International ngayon ding buwan bago ang Australian Open, na unang Grand Slam ngayong taon.

“Unfortunately I will not be starting my season in Brisbane due to an unexpected setback during my training,” saad ng seven-time major winner sa isang pahayag.

“I look forward to being in Australia in the new year and will see everyone in Adelaide.”

Ang torneyo, na magsisimula sa Enero 6, ay katatampukan ng mga “heavyweights” na sina world No. 1 Ashleigh Barty at Australian Open champion Naomi Osaka.

Inaanunsyo naman ng mga organizers ang hahalili kay Williams sa darating na Huwebes. (AFP)