-- Advertisements --

Muling tatakbo sa pagka-kongresista si Speaker Lord Allan Velasco sa darating na Mayo 2022 elections.

Sa isang panayam, sinabi ni Velasco na marami pa siyang kailangan tapusin at gawin sa probinsya ng Marinduque.

Paglilinaw ito ni Velasco sa harap ng mga ispekulasyon na siya raw ay tatakbo sa mas mataas na posisyon sa halalan sa susunod na taon.

Hindi naman aniya niya natitiyak pa sa ngayon kung siya ba ay tatakbo pa ulit bilang lider ng Kamara.

Nakadipende pa rin kasi aniya ito kung makakakuha pa siya ng suporta mula sa mga miyembro ng mababang kapulungan ng Kongreso.