-- Advertisements --

Nanawagan si House Speaker Lord Allan Velasco sa Senado at Ehekutibo na makipagtulunga sa Kamara para sa agarang pagpasa sa P405.6-billion halaga ng lifeline measures na nakapaloob sa ilalim ng Bayanihan 3.

Ginawa ni Velasco ang naturang pahayag bago pa man inaprubahan ng House committee on economic affairs ang substitute bill ng ikatlong economic stimulus ng pamahalaan sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Sa naturang pagdinig, binigyan diin ni Velasco ang kahalagahan ng agarang pag-apruba sa Bayanihan 3 dahil makakatulong ito sa hindi lamang sa ekonomiya ng bansa kundi maging sa buong Pilipino na makakatnaggap ng socio-economic assistance.

Nabatid na limang session days na lamang mayroon ang Kamara para maaprubahan ang Bayanihan 3 bago pa man ang kanilang sine die adjournment sa Hunyo.

Sa inaprubahang subsitute bill, ang Bayanihan 3 ay hahatiin sa tatlong phases.

Ang Phase 1 ay paglalaanan ng P167 billion, habang ang Phase 2 naman ay P196 billion at P42.6 billion para sa Phase 3.

Ang pondo para sa Phases 2 at 3 ay mananatili bilang stand-by funds, na depende pa sa certification of availability of funds na ibibigay ng Bureau of Treasury.