-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Naglabas ng mga bagong panuntunan ang Vatican para sa selebrasyon ng mahal na araw.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Bishop David William Antonio ng Diocese of Ilagan na epektibo pa rin ang mga guidelines na ibinigay ng Vatican noong nakaraang taon at nadagdagan lamang.

Noong nakaraang araw ay nagbigay ang Vatican ng karagdagang panuntunan at pinasimple na ang selebrasyon sa holy week dahil sa pandemya.

Ang mga aktibidad na karaniwang ginagawa ay hindi muna isasagawa at ang congregation for the celebration of the liturgy sa Linggo ng Palaspas ay wala ng prusisyon.

Isasagawa na ito sa loob ng simbahan at uupo na lamang ang mga tao habang ang pari na ang mag-iikot para bendisyunan ang mga palaspas.

Ang Chrism mass na karaniwang isinasagawa ng Huwebes Santo ay pinayagan naman ng Vatican na gawin ng Martes Santo dito sa Isabela para mabigyan ng pagkakataon ang mga pari na makipagsaya.

Sa kabila nito ay limitado lamang ang papayagang magpunta sa Cathedral para masunod ang social distancing kaya nakiusap siya sa mga nagbabalak na huwag na munang tumuloy at gawin na lamang sa kanilang mga bahay dahil susubukan nilang i-livestream ang mga selebrasyon sa mga parokya at sa Cathedral.

Tiniyak din niya na lahat ng gagawin sa simbahan ay sang-ayon sa mga guidelines ng IATF para maiwasan ang hawaan ng virus.