-- Advertisements --
Mas pinaigting pa ng Vatican ang pagbibigay proteksyon sa mga kabataan.
Ito ay matapos na magsanib puwersa ang anti-sexual abuse commission ng Vatican at ang Dicastery for Evangelization na pinamumunuan ni Cardinal Luis Antonio Tagle.
Noong 2014 kasi ay itinaguyod ni Pope Francis ang Pontifical Commission for the Protection fo Minors na ang layon nito ay labanan ang sexual abuse na kinasasangkutan ng mga pari at ilang opisyal ng simbahan.
Dahil sa pagsasanib puwersa ay isasanay nila ang mga obispo ng iba’t-ibang dioceses para matulungan ang mga biktima.