-- Advertisements --

VIGAN CITY – Agad maglalabas ng show cause order ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa mga lokal na opisyal na mapapatunayang bigong makasunod sa 60-day deadline para malinis ang mga pampublikong kalsada mula sa paglabag.

Ito ang sinabi ni Interior Usec. Martin Diño sa Bombo Radyo kasabay ng inaasahang pagtatapos ng DILG validation team sa pag-iikot sa buong bansa.

Suspensyon ang agad na haharapin ng barangay officials mula sa DILG, habang mismong si Pangulong Rodrigo Duterte raw ang sisibak sa mga alkalde na mapapatunayang bigo sa kautusan.

Binubuo ang validation team ng mga opisyal na galing sa Bureau of Jail Management and Penology, National Police Commission, Philippine National Police, Bureau of Fire Protection, civil society organization at business sector.