-- Advertisements --

Naniniwala ang ilang mga ekonomista na makakatulong sa ekonomiya ng Pilipinas ang pagiging romantic ng mga Pilipino, lalo na ngayong Valentine’s Day.

Sa isang panayam, sinabi ng ekonomista na si Ser Percival Peña-Reyes na maaring tapatan ng Valentine’s Day spending ng mga Pilipino ang halaga ng mga ginastos noon namang Pasko.

Base kasi aniya sa pre-pandemic data, ang middle income market ay binubuo ng 15 million katao, at 30 percent dito ay inaasahan na gagastos ng average P2,000 para lamang sa Valentine’s Day.

Ayon kay Peña-Reyes, kapag ipunin ang P2,000 sa 30 percent ng middle income market, aabot din ito ng P9 trillion.

Dahil sa global health crisis sa ngayon, nakikita niyang gagastos ang mga Pilipino sa mga tokens nang kanilang pagmamahal tulad ng pagbili ng kotse, tsokolate, at mga bulaklak.

Mas nag-aalangan kasi aniya sa ngayon ang mga tao na lumabas para pumunta sa mga hotels at restaurants para gunitain ang Valentine’s Day lalo pa at kakagaling ng bansa sa surge na dulot ng Omicron COVID-19 variant.