Inanunsyo ng Department of Science and Technology (DOST) na ngayong linggo magsisimula ang coronavirus disease vaccine clinical trial ng Janssen Pharmaceuticals sa Pilipinas.
Ang Janssen Pharmaceuticals ay isa sa tatlong vaccine developers na nakakuha ng approval upang magsagawa ng kanilang Phase 3 clinical trial sa bansa.
Layunin ng nasabing kumpanya na patatagin pa ang data gathering nito sa efficacy ng kanilang bakuna at gayundin na tulungan ang gobyerno ng Pilipinas sa laban nito kontra COVID-19 pandemic.
Ayon sa mga opisyal ng DOST, tinutulungan lang nila ang Janssen pharmaceuticals na alamin kung saang lougar gagawin ang clinical trials.
Ang iba pang vaccine developers katulad ng Sinovac at Clover Pharmaceuticals ay malapit na rin aniyang simulan ang kanilang Phase 3 trials.
Sa ngayon ay mayroong Confidentiality Disclosure Agreement (CDA) ang bansa sa 12 vaccine developers. Ito ay ang mga sumusunod: Janssen, Sinovac Biotech, AstraZeneca, Gamaleya Research Institute, Sinopharm Group, Anhui Zhifei, University of Queensland, Adimmune Corporation, Academia Sinica, Tianyuan Biopharma, Bharat Biotech at CureVac.