Mananatiling bukas ang mga vaccination site laban sa COVID-19 ngayong panahon ng Semana Santa, ayon sa Department of Health (DOH).
Sinabi ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje, inatasan na ng kagawaran ang mga regional offices nito na magpatuloy sa kanilang mga programa sa pagbabakuna, lalo na ang mga pagamutan na nasa ilalim ng DOH.
Kaugnay nito ay hinikayat din ng kagawaran ang mga lokal na pamahalaan na magpatuloy din sa pamamahagi ngmga bakuna ngayong Holy Week.
Bukod dito ay ipinahayag naman ni Cabotaje na pinahintulutan na rin aniya ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na buksan ang kanilang mga simbahan upang gawing vaccination site.
Samantala, sinabi rin ng opisyal na ang mga LGU, simbahan, at iba pang mga pribadong lugar ay may karapatan na maghigpit ng kanilang mga restriksyon sa pagpapapasok sa kanilang premises sa mga hindi pa bakunadong indibidwal.
Sa kasalukuyan ay nasa 66.7 miluon na mga Pilipino na ang nakatanggap ngkumpletong bakuna laban sa COVID-19, habang nasa 12.5 million naman ang nakatakdang makatanggap ng booster shots.