-- Advertisements --

DAVAO CITY – Tatanggalin na ng City Government of Davao ang mga vaccination hubs na nasa mga malls at sa mga parks nitong lungsod simula Hulyo 1 nitong taon.

Sinabi ni Davao City COVID-19 Task Force spokesperson Dr. Michelle Schlosser sa mga magpapabakuna laban sa COVID-19 na sa mga health centers na pumunta.

Ngunit, magpapatuloy pa din ang isinasagawang mobile vaccinations gayundin ang school-based vaccinations at ang sectoral vaccinations sa mga private at public offices.

Sa kabilang banda, mananatiling bukas ang nasa 18 mga health centers sa Davao City mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon, Lunes hanggang Biyernes.

Dagdag pa ni Dr. Schlosser na nag-request ang vaccination cluster ng Davao COVID-19 Task Force na magbukas ng kahit isa lamang na vaccination hub sa mall sa bawat congressional district upang ma-cater ang mga Dabawenyo na bakante sa araw ng Sabado.

Dagdag nito, hiniling din ng COVID-19 Task Force na panatilihin operational ang isang drive-thru vaccination.