Dipende na sa desisyo ng mga local government units na apektado ng hagupit ng Bagyong Odette kung magsasagawa ng pagbabakuna kontra COVID-19 sa mga evacuation centers, ayon kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje.
Pero para sa opisyal, mas mainam kung nakatuon din muna sa ngayon ang atensyon ng mga apektadong LGUs sa pagbibigay ng tulong sa kanikanilang mga nasasakupan.
Bago bakunahan ang publuko, sinabi ni Cabotahe na dapat i-assess muna ang mga posibleng side effects nito sa tuturukan tulad ng pagkakaroon ng sakit sa ulo, kasukasuan at iba pa.
Samantala, iniulat ni Cabotaje na sa tatlong araw na second round ng vaccination drive, aabot sa 2.3 million COVID-19 vaccine doses ang naiturok ng pamahalaan mula Disyembre 15 hanggang Disyembre 17.
Kabilang sa mga naiturok na bakuna ay ang para sa booster, first dose at second dose pati na rin iyong para sa pediatric population.