-- Advertisements --
politiko UV express

Iginiit ng mga UV Express Drivers ngayong araw na dagdagan ng kahit piso ang pamasahe para makabwelo sa umano’y pagtaas ng krudo sa bansa.

Hindi kabilang ang UV Express sa fare increase na inaprubahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Ayon kay George Jalandoni, Secretary General ng Alliance of UV Express of the Philippines, ay taong 2018 pa ang fare hike petition ng mga UV Express Driver ngunit hindi ito napakinggan sapagkat sa tingin daw ng ahensya ay maayos pa raw ang ekonomiya at sitwasyon ng bansa.

Ngayong taon, naghain ulit sila ng panibagong petisyon sa LTFRB alinsunod sa pag-sumite ng petition ng mga Jeepney, Taxi and Bus Operators.