-- Advertisements --

Bumaba ang halaga nang pagkakautang ng gobyerno hanggang noong katapusan ng Disyembre 2021, pero ang full-year debt levels kumpara sa laki ng ekonomiya ng bansa ay pasok na rin sa manageable threshold.

Base sa datos ng Bureau of Treasury (BTr), sa pagtatapos ng 2021, ang outstanding debt ng national government ay nasa P11.73 trillion, mas mabaab ng 1.7 percent kaysa P11.93 trillion na balanse noong katapusan ng Nobyembre 2021.

Ang bahagyang pagbaba na ito ay dahil na rin sa net redemption ng domestic securities.

Samantala, ang year-on-year total outstanding debt naman ay lumago ng 1.7 percent o katumbas ng P1.93 tillion mula sa P9.8 trillion noong katapusan naman ng Disyembre 2020.

Ang total debt ng pamahalaan ay binubuo halos ng domestic barrowings na pumapalo sa 69.7 percent, habang ang natitirang 30.3 pecent ay inutang mula sa ibang mga bansa.

Sinabi ng BTr a ang debt-to-gross domestic product ratio ay pumalo sa 60.5 prcent, mas mataas sa 54.6 percent level noon namang 2020.

Gayunman, ang full-year debt-to-GDP level ay pasok pa rin naman sa katanggap-tanggap na threshold gayong patuloy namang nakakabangon sa ngayon ang ekonomiya mula sa epekto ng COVID-19 pandemic.

Nauna nang dinipensahan ni Finance Sec. Carlos Dominguez III ang pagtaas sa programmed debt ng pamahalaan, na inaasahang papalo sa internationally recommended threshold na 60 percent ng GDO ngayong 2022.