-- Advertisements --
bureau of treasury

Bahagyang bumaba ang sovereign debt ng Pilipinas noong katapusan ng Setyembre 2023 dahil sa mga pagbabayad ng gobyerno sa mga local and foreign borrowings.

Ang datos na inilabas ng Bureau of the Treasury (BTr) ay nagpakita na ang pambansang pamahalaan ay nagkaroon ng kabuuang natitirang utang na P14.27 trilyon.

Ito ay bumaba ng 0.6% o P80.9 bilyon na mas mababa sa P14.35 trilyon na stock ng utang na naitala sa pagtatapos ng Agosto 2023.

Iniuugnay ng Treasury ang month-on-month na pagbaba dahil sa mga net repayments ng parehong domestic at external obligations na para sa nasabing buwan.

Ang bulto o 68.2% ng debt pile ng gobyerno ay galing sa loob ng bansa, habang ang balanseng 31.8% ay mula sa mga pangungutang sa ibang bansa.

Sa partikular, ang domestic debt ng Pilipinas ay umabot sa P9.73 trilyon, bumaba ng 0.6% o P56.77 bilyon na mas mababa kaysa sa P9.79 trilyon na naitala noong nakaraang buwan.