-- Advertisements --
Tinamaan ng magnitude 5.7 na lindol ang Utah.
Ayon sa US Geological Survey (USGS) sumentro ang lindol sa north-central Utah.
Nagtala ito ng pagkasira ng ilang mga gusali gaya ng Angel Moroni statue sa Salt Lake Temple at ang trumpeta sa kamay ng angel sa simbahan ng Mormon.
Ito na ang pinakamalakas na lindol na naranasan ng lugar sa loob ng 28 taon na ang una ay noong 1992 na tumama sa 5.9 magnitude na lindol.
Kinansela na rin ng Federal Aviation Administration (FAA) ang mga paliparan dahil sa lindol.