-- Advertisements --
Hindi rin kinaya ng Atlanta Hawks na pigilan ang pamamayagpag ng Utah Jazz matapos silang itumba sa score na 125-119.
Ito na ang ika-10 panalo ng Jazz habang natigil naman sa pitong panalo ang Atlanta.
Muling nanguna sa diskarte ng Utah ang power forward na si Lauri Markkanen na nagbuhaos ng 32 points.
Malaki rin naman ang nagawa ng Fil-Am player na si Jordan Clarkson na nagpakawala ng 23 points sa kanyang all around game.