Pormal ng umupo bilang Officer-in-Charge (OIC) ng Department of National Defense si Usec. Jose Faustino Jr.
Nuong Biyernes, July 1,2022, nagkaroon ng transition sa DND kung saan isinalin ni dating Secretary Delfin Lorenzana ang kapangyarihan kay Faustino.
Online ang programa dahil tinamaan ng COVID 19 si Faustino kaya hindi ito pisikal na nakadalo.
Sa transition, pinagmalaki ni Lorenzana ang maraming nagawa ng DND sa kanyang pamumuno, kasama ang tagumpay sa Marawi seige, AFP modernization program, gayundin ang laban sa pandemya.
Nagpasalamat din siya sa lahat ng sumuporta sa kanya.
Sa mensahe naman ni Faustino, kinilala niya ang mga nagawa ni Lorenzana at kung paano nito pinangalaagaan ang seguridad ng bansa.
Nagpsalamat din siya kay President Ferdinand Bongbong Marcos Jr.
Ayon kay Faustino, hangad niya ang patuloy na kapayapaan sa bansa sa pamamagitan ng pagpapalakas ng dependsa sa teritoryo.
Siniguro ni Faustino na kaniyang isusulong at mas palakasin pa ang AFP modernization program.
Si Faustino ang ika-56 na AFP chief-of-staff. Pinagunahan din nito ang Joint Task Force Mindanao at naging acting commanding general ng Philippine Army.
Siya ay miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) Class of 1988, mistah ni AFP Chief of Staff Gen. Andres Centino at dating PNP Chief Ret. PGen. Dionardo Carlos