Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Budget Undersecretary Janet Abuel bilang acting secretary ng Department of Budget and Management (DBM).

Sinabi ni presidential spokesperson Salvador Panelo, inanunsiyo ng pangulo ang desisyon sa ginanap na cabinet meeting nito.

Nauna rito itinalaga si Abuel bilang officer in charge ng DBM noong nakaraang buwan matapos na mailipat si DBM secretary Benjamin Diokno bilang governor ng Bangko Sentral ng Pilipinas.

Nilinaw naman ni Panelo na walang paglabag sa election ban ang isinagawang pagtalaga ng pangulo kay Abuel dahil wala itong pinirmahang anumang dokumento.