-- Advertisements --

Tinawag na ‘fake news’ ni House Majority Leader Mannix Dalipe ang mga kumalat na usapin ng may inihahaing impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.

Sinabi ni Dalipe na walang basehan ang nasabing usapin na may ilang mambabatas umano ang nagpaplanong patalsikin sa puwesto ang ikalawang pangulo.

Layon lamang ng balita na siraan ang magandang relasyon ni House Speaker Martin Romualdez at Vice President Duterte.

Hindi aniya basta-basta ang paghahain ng impeachment complaints dahil sa nangangailangan ito ng mabigat na ebidensya.