Namigay ng cash assistance ang US Agency for International Development sa mga pamilyang naapektuhan ng baha at landslides noong February sa Davao del Norte at Davao de Oro.
Nakatanggap ng tig P10,000 ang dalawang libong pamilya sa Davao del Norte at 1,500 na pamilya naman sa Davao de Oro partikular na sa Barangay Masara sa Maco kung saan nangyari ang landslide na malapit sa minahan.
Ayon kay US AID Bureau for Humanitarian Assistance director Ben Hemingway, naglaan ang US government ng $1.25-M o P70-M na humanitarian aid para matugunan ang pangangailangan ng mga komunidad sa Mindanao.
Ito raw ay gagamitin para magkaroon ng access ang mga apektadong residente sa malinis na tubig, sanitation at hygiene.
Samantala, magkakaroon din ng multi-purpose cash assistance na planong tugunan ang pangangailangan sa pagkain at iba pang basic humanitarian needs ng aabot sa 7,500 na benepisyaryo.
Ayon kay Hemingway, nakikipagtulungan din sila sa World Food Program at magiging aktibo ang kanilang mga programa ng ilang buwan hanggang sa tuluyang maka-recover ang mga pamilya.