-- Advertisements --

Nakukumpleto na ng USA Basketball Team ang kanilang miyembro na isasabak sa FIBA World Cup na gaganapin sa Japan, Indonesia at Pilipinas.

Ayon sa nasabing koponan na mayroon ng anim na NBA players ang nagtiyak na ng paglahok sa nasabing torneo.

Ilan sa kanila ay sina Antony Edwards ng Minnesota Timberwolves, Austin Reaves ng Los Angeles Lakers, Bobby Portis ng Milwaukee Bucks, Jalen Brunson ng New York Knicks, Miakl Bridges ng Brooklyn Nets at Tyrese Haliburton ng Indiana Pacers.

Tanging ang 22-anyos na si Edwards lamang ang may malawak na karanasan dahil sa nakalahok na ito sa training pool ng USA Basketball Team ng sumabak sila sa Tokyo Olympics dalawang taon na ang nakakalipas.

Habang ang pinakamatanda na sa listahan na ngayon ay ang 28-anyos na si Portis na isang dekada ng naglalaro sa NBA.

Ang USA Basketball officials ay pinangungunahan ni managing director Grant Hill, general manager Sean Ford at incoming mentor Steve Kerr.

Inaayos pa nila ang ilang mga listahan na isasabak sa nasabing torneo.