-- Advertisements --
Nakatakdng si US Vice President Kamala Harris sa state funeral ni dating Japanese Prime Minister Shinzo Abe.
Ang pagdalaw niya sa Japan sa darating na Setyembre 27 ay siyang magiging unang pagkakataon mula ng maupo ito sa puwesto.
Hahalili siya kay US President Joe Biden na hindi makakadalo dahil sa ibang mga mahalagang lakarin.
Ilan sa mga mataas na lider ng bansa na nakatakdang dumalo ay sina French President Emmanuel Macron at dating German Chancellor Angela Merkel.
Magugunitang isinagawa noon pang Hulyo 12 ang private funeral kay Abe ilang araw matapos na barilin ang 67-anyos na mambabatas noong Hulyo.