Pinabulaanan ni US Defense Secretary Mark Esper na tatanggalin nila ang mga sundalo na nakatalaga sa Iraq.
Sinabi nito na maaaring baguhin ang mga posisyon ng mga nakatalagang sundalo.
Wala pa aniyang desisyon na tuluyan ng tatanggalin ang mga sundalo sa nasabing lugar.
Nauna rito sumulat si Brig. General William Seely, ang namumuno sa US military task force sa Iraq kay Abdul Amir ang deputy director of Combined Joint Operations, ng paglilipat nila ng posisyon bilang paghahanda sa anumang banta ng Iran.
Binantaan rin ni US President Donald Trump ang Iraq na papatawan nila ito ng sanctions kapag inalis ang nasa 5,000 na sundalo ng Amerika.
Nagbunsod ang pagbabanta sa mga sundalo ng US matapos na mapatay ang top Iranian commander na si Qasem Soleimani.
















