-- Advertisements --
Tinawag ng US na ‘overacting’ ang ginawang pagpapalipad ng China ng mga ballistic missiles bilang pagpapakita ng protesta sa pagbisita ni House Speaker Nancy Pelosi sa Taiwan.
Ayon kay White House spokesperson John Kirby, na tila nanghahamon pa ang China sa ginawa nito.
Tila nagtatangka umano ang China na sirain ang regional power balance sa nasabing rehiyon.
Hindi aniya magkakaroon ng tensiyon kung itinigil sana ng China ang pagsasagawa ng mga military drill malapit sa isla ng Taiwan.