-- Advertisements --

Pumanaw na ang kilalang theater actress sa US na si Jane Powell sa edad 92.

Ayon sa kaibigan niyang si Susan Granger, nalagutan si Powell sa kaniyang bahay sa Wilton, Connecticut.

Sumikat si Powell noong dekada 40 at 50 sa mga theater play gaya ng “Seven Brides for Seven Brothers” at “Royal Wedding”.

Tinagurian siya bilang megastar of musical flims.

Isinilang noong 1929 sa Portland, Oregon na may talent sa pagkanta at pagsayaw sa murang edad lamang.

Naging magkaibigan sina Granger at Powell ng magkakilala sa ste ng “Song of the Open Road” kung saan director ang ama ni Granger na si S. Sylvan Simon.