-- Advertisements --

Nabigo sa unang round ng Wimbledon si world number 7 tennis star Coco Gauff.

Tinalo siya ng kapwa American na si Sofia Kenin sa score na 6-4, 4-6, 6-2 .

Si Kenin na Australian Open champion noong 2020 ay dating ranked number 4 hanggang nagtamo ito ng mga injuries.

Sinubukan pa ng 19-anyos na si Gauff na makabawi sa second set subalit naging matindi ang depensa na ipinamalas ni Kenin.

Sa edad na 15 ay nakapaglaro na si Gauff sa Wimbledon kung saan handa umano ito ng mag-move on sa pagkatalo.