-- Advertisements --

Napaiyak na lamang si American tennis star Coco Gauff matapos na talunin ni Jelena Ostapenko ng Latvia sa fourth round ng Australian Open.

Nabigo ang 18-anyos na si Gauff sa score na 7-5, 6-3 at hindi niya maitago ang pagkadismaya matapos ang pagkatalo.

Sinabi nito na nasayang ang kaniyang pinagsikapan at alam niyang kulang pa ang kaniyang mga ensayo.

Pinuri na lamang nito ang nakalaban na manlalaro.

Susunod na makakaharap ni Ostapenko si Elena Rybakina na tinalo ang world number 1 na si Iga Swiatek.