-- Advertisements --

Nagpapagaling na sa pagamutan si US Supreme Court Justice Clarence Thomas matapos na dumanas ng flu-like symptoms at na-diagnosed ng infections.

Ayon sa Korte Suprema sa US na nabigyan na ang 73-anyos na justice ng intravenous antibiotics.

Humihina na rin ang kaniyang sintomas kung saan inaasahan na makakalabas na siya sa Sibley Memorial Hospital sa Washington sa mga susunod na araw.

Isasama rin siya sa sessions ng Supreme Court sa pamamagitan ng transcripts at audio ng oral arguments.

Itinuturing na si Thomas ang pinakamatagal sa nagsisilbi sa US Supreme Court at isa siya sa dalawang Black American ng nasabing korte suprema ng US.