-- Advertisements --

Hindi tinanggap ng Korte Suprema sa Estados Unidos ang hiling ng Republicans sa Pennsylvnia na harangin ang certification ng election results sa nasabing estado.

Isa ito sa mga ginagawa ng kampo ni President Donald Trump upang hindi kilalanin ang pagkapanalo ni Presumptive President Joe Biden sa katatapos lamang na halalan.

Ilang oras lamang matapos ilabas ng korte ang natrurang desisyon ay direktang umapela ang Republican president sa mga state officials at miyembro ng Supreme Court para tulungan siya sa kaniyang mga hakbang upang dinggin ang nais ng kaniyang mga taga-suporta.

Hanggang ngayon kasi ay wala pa ring tigil si Trump sa mga patutsada nito na siya raw ay dinaya noong eleksyon.

Sa ngayon ay wala pang komento ang siyan na hukom hinggil dito. Binubuo ang Korte Suprema ng anim na conservative justices — kasama na rito ang tatlong nominees ni Trump na si Neil Gorsuch, Brett Kavanaugh at Amy Coney Barrett.