-- Advertisements --
Tinamaan ng US Navy submarine ang isang bagay habang sila ay nasa ilalim ng karagatan ng Asia-Pacific region.
Ayon sa US military na hindi naman nagdulot ng anumang kapahamakan ang nasabing pagkakabangga nila sa nasabing bagay.
Walang anumang naitalang sira sa nuclear propulsion plant at spaces ng nasabing submarine at ito ay gumagana naman.
Nagtamo naman ng pasa sa katawan ang nasa 15 crew ng submarine.
Patungo sana sa Guam ang submarine subalit pagdating sa bahagi ng West Philippine Sea ay doon nila natamaan ang isang bagay na hindi nila matukoy kung anong uri.