-- Advertisements --
Nababahala ang US sa hakbang na ipinakita ng China sa National Basketball Association (NBA).
Ito ay matapos na tanggalin ng China ang highlights ng laro ng koponang Boston Celtics sa kanilang streaming platform.
Ikinagalit umano ng China ang social media post ng Celtics player na si Enes Kanter na bumabatikos sa pagtrato ng China sa Tibet.
Nag-post kasi si Kanter ng video na nakasuot ng t-shirt na may mukha ng spiritual leader na si Dalai Lama at tinawag pa nitong brutal dictator si Chinese President Xi Jinping.
Ayon sa tagapagsalita ng US State Department na kanilang pinapahalagahan ang freedom of expression.
Sinusuportahan aniya ng US ang sinumang tumutupad nito.