-- Advertisements --

Hindi pa rin isinsasawalat ni US House Speaker Nancy Pelosi kung matutuloy itong bumisita sa Taiwan.

Magsisimula na kasi ngayong araw ang pagbiyahe ng US House Speaker sa Asia.

Ilan sa mga lugar na bibisitahin nito ay ang Japan, South Korea, Malaysia at Singapore na lahat ng mga ito ay kaalyado ng US.

Kasama niya sa biyahe ang ilang mga mambabatas sa nasabing pagbisita subalit hindi pa rin nito kinumpirma kung matutuloy ito sa Taiwan.

Magugunitang ikinagalit ng China ang planong pagbisita ni Pelosi sa Taiwan dahil sa baka umano impluwensiyahan ito ng US.

Itinuturing kasi pa rin ng China kanilang nasasakupan ang Taiwan.

Kung matuloy ay magiging si Pelosi ang unang sitting US House speaker na bibisita sa Taiwan mula noong si Newt Gingrich ay nagtungo doon noong 1997.