-- Advertisements --

Sinimulan na ng US ang pamamahagi ng unang 4 milyon doses ng bagong authorized COVID-19 vaccine ng kumpanyang Johnson & Johnson.

Ayon kay Alex Gorsky ang chief executive officer ng Johnson & Johnson, na sa loob ng 24 hanggang 48 oras ay masisimulan na ng US ang pagturok ng kanilang bakuna.

Magugunitang inaprubahan ng US Food and Drugs Administration at ang Centers for Disease Control and Prevention ang nasabing kumpanya bilang pangatlong COVID-19 vaccine sa US.

Ang nasabing bakuna rin ay unang single-dose vaccine na inaprubahan ng US kumpara sa ibang mga brand na kailangan ang dalawang pagturok ganun din ay hindi ito kailangan na ilagaya sa sobrang lamig na storage facilities.