-- Advertisements --
Bumisita naman sa pang-apat na pagkakataon sa Israel si US Secretary of State Antony Blinken.
Sa kaniyang pagbisita ay kinondina nito ang naganap na pamamaril ng Hamas sa Jerusalem na ikinasawi ng tatlong katao at ikinasugat ng halos 20 iba pa.
Nakapulong din ni Blinken si Israel Prime Minister Benjamin Netanyahu at ilang mga opisyal.
Dagdag pa nito na gumagawa
ng hakbang ang US at ilang bansa gaya ng Qatar at Egypt na mapalawig pa ang tigil putukan na nasa pang-pitong araw na.
Pagtitiyak pa nito na katuwan ng Israel ang US para sa paglaban sa mga Hamas militants.