-- Advertisements --

All-set na ang pagbiyahe ni US Secretary of State Antony Blinken sa China ngayong Weekend.

Inaasahan na pagdating ng opisyal sa China ay makakapanayam nito ang mga matataas na opisyal doon.

Isang araw bago kasi ang biyahe ni Blinken sa China ay tinawagan na siya ni Chinese Foreign Minister Qin Gang para plantsahin ang ilang mga usapin.

Ito ang unang pagbiyahe ni Blinken sa China na unan ng naiplano noong Pebrero subalit kinansela ito dahil sa tumitinding hidwaan ng dalawang bansa bunsod ng Chinese spy balloon.

Ito rin ang unang gabinete ni US President Joe Biden na makabisita sa China.