-- Advertisements --
Nakatakdang magkita ng personal sina United States Secretary of Defense Lloyd J. Austin III at Department of National Defense (DND) Secretary Gilber Teodoro.
Ito ang naging kasunduan ng dalawa ng magkausap sila sa telepono.
Ilan sa mga inaasahang tatalakayin ng dalawa ay ang ‘defense at security priorities” ng US at Pilipinas.
Kasama na rin na pag-uusapan ang pagpapalawak ng Enhanced Defense Cooperation Agreement, pagsasagawa ng joint patrols sa West Philippine Sea at ang pagbuo ng Bilateral Defense guidelines.