-- Advertisements --
Personal na ipinakita ni US Secretary of Defense Lloyd Austin ang buong suporta ng US sa Israel.
Sa kaniyang personal na pagbisita sa Israel ay agad na itong nakipagpulong kay Israel Prime Minister Benjamin Netanyu at tiniyak ang tulong na maipaparating ng US sa Israel.
Suportado din ni Austin ang ginagawang pagpapalikas ng Israel sa mga residente ng Gaza na naiipit sa kaguluhan.
Magugunitang iginiit ni Netanyahu na ito lamang ang simula dahil sa asahan ang tuloy na pag-atake ng kanilang Israel Defense Forces sa mga kuta ng mga Hamas Militants.