-- Advertisements --
Nabigo si US Representative Jim Jordan na makuha ang speakership sa unang round ng botohan sa House of Representatives.
Mayroon lamang ito ng nakuhang 200 na boto habang ang katunggali niya na si House Minority Leader Hakeem Jeffries ay nakakuha ng 212 na boto.
Isa sa naging balakid kay Jordan ay matapos na 20 sa kaniyang mga kapwa Republicans ang bumoto laban sa kaniya.
Maguguntiang pinatalsik si Rep. Kevin McCarthy bilang US Speaker matapos na makaalitan ang ilang kapwa mambabatas.