-- Advertisements --
Patay ang US rapper na si PnB Rock matapos na ito ay pagbabarilin ng mga magnanakaw.
Base sa imbestigasyon ng mga otoridad naganap ang insidente habang nasa loob ng isang restaurant sa Los Angeles ang biktima.
Kasama ng 30-anyos na rapper ang kaniyang nobya ng biglang nilapitan sila ng armadong suspek at hiningi ang mga alahas nila.
Naabutan ng mga kapuilsan ang bangkay ng rapper na tadtad ng bala ng baril.
Patuloy na tinutugis ng Los Angeles Police Department ang tumakas na suspek.
Nagpaabot naman ng kalungkutan at pakikiramay ng mga nakasama at kapwa rapper ng biktima.