-- Advertisements --
Arestado ang US rapper na si A$AP Rocky habang ito ay nasa Los Angeles International Airport.
Ayon sa mga kapulisan na inaresto nila ang rapper na si Rakim Mayers sa tunay na buhay dahil sa assault with a deadly weapon na naganap sa Hollywood noong Nobyembre 2021.
Pabalik na san aito lulan ng kaniyang private jet patungo sa isla ng Barbados ng siya ay inaresto.
Base sa imbestigasyon na nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kaniyang katawan ang nabaril na suspek.
Noong 2019 ay inaresto na ang rapper dahil sa pagkakasangkot sa kaguluhan.
Buntis ngayon ang asawa ng 33-anyos na rapper na si Rihanna na sa mga susunod na buwan ay inaasahan ang paglabas ng unang anak nila.