-- Advertisements --

Nagpositibo sa COVID-19 si US President Joe Biden.

Ayon sa White House, nakaranas ito ng hindi gaanong matinding sintomas.

Siya fully vaccinated at dalawang beses na rin itong naturukan ng booster shots.

Naka-isolate na ito at gumagamit na siya ng Paxlovid isang antiviral drug ng Pfizer na otorisado ng US Food and Drug Administration.

Magugunitang unang nabakunahan ang 79-anyos na si Biden bago ang kaniyang pag-upo bilang pangulo noong Enero 2021 at ang kaniyang unang booster ay noong Setyembre 2021 na sinundan ng pangalawang booster noong Marso 30.