Nagbabala si US President Joe Biden sa Rusia laban sa paggamit nito ng nuclear weapon sa giyera nito sa Ukraine.
Nang tanungin si Biden sa ideya na paghahanda ng Russi ng isang “dirty bomb” attack na kalaunan ay isisi nito sa Ukraine, sinabi ng Pangulo ng Amerika na isang malaking pagkakamali ang gagawing ito kung sakali ng Russia na paggamit ng tactical nuclear weapons.
Makailang ulit na rin nagbabala ang Russia na posible umanong gumamit ang Ukraine ng tinatawag na dirty bomb sa sarili nitong teritoryo.
Ang sinasabing dirty bomb ay isang conventional bomb na may radioactive, biological o chemical materials na kumakalat matapos ang pagsabog.
Pero suspetsa naman ng Amerika at ng kaalyado itong mga bansa na maaring ang Russia ang may planong gumamit ng dirty bomb sa pamamagitan ng isang false flag attack para i-justify ang kanilang paggamit ng Moscow ng conventional nuclear weapons.